Cover Image
Cover Photo Cabinet     Home Categories News Sports Agham Historya About Us Feedback

High Quality Image

COLUMN

Kahit ang Ibon ay may Nasang Tumuka, Tao pa Kaya?

Ang tao raw ay likas na kailangan ang pagkain, datapwa’t, ito’y dapat nitong natatamasa dahil ito’y kanyang karapatan, ngunit sa mga nagdaang siglo—gutom, kahirapan, at korapsiyon ang patuloy na naglulugmok sa mga maralita at mahihirap tungo sa malnutrisyon.

Ayon sa mga lathalain at mga serbey, mula 1987 at magpa sa hanggang ngayon mabagal at walang pagsulong ang pag-ayos sa isyu ng gutom, at ayon sa mga datos mga bata, mag-aaral at mga mahihirap ang pangunahing nakakaranas nito.

Ngunit sa patuloy na pag lobo ng isyu ng gutom nagtanong kana ba? Ano-ano ang mga naging hakbang ng pamahalaan? Taon-taon ang gobyerno ay naglalaan nang karampatang badyet sa mga programang ito—ngunit patuloy na nagiging mabagal at minsan hindi naisasakatuparan ang mga solusyon nito, ayon sa “Transparency International,” mula 17% hanggang 20% ng ating mga kaukulang badyet sa ating mga sosyal na programa ay hindi nagagamit dahil sa katiwalian.

Ngayong mga nagdaan SONA kailangan ba ng taong bayang ang mga nabanggit? O naisakatuparan ba ang mga nagdaang mga matatamis na adhikain at pangako, habang nagugutom ang mga mahihirap—ginagawang entablado ng mga politiko ang gobyerno, at tila kala nila mabubusog ang masa ng bayan sa mga talumpati’t at pangako.

Sabi nga ni Thomas Sankara “Ang mga nagugutom na masa ay hindi nangangailangan ng mga talumpati; ang kailangan nila ay tinapay.” Sa mundong ginagalawan ng mga nagugutom, aksyon at kamay ng pamahalaan ang kanilang tanging sandigan ngunit ang mismong kanlungan ng masa ay bingi at bulag sa mga iyak ng mga batang naghihikahos sa gutom.

Ang isyu ng gutom, ay isyung panlipunan—isang pakikibaka ng buong masa laban sa sistemang bulok at nalulusaw; sabi nga ni Rosa Luxemburg, “Sa lipunang kapitalista, sapat ang pagkain para sa lahat—pero nagugutom pa rin ang mga bata.” Habang may sistemang ninanakawan ang bayan at pamahalaang nagpapakain lamang sa mga mayayaman at nasa taas—patuloy na magugutom ang masa; ang kalayaan sa gutom ay nasa kamay ng bayan.

Kung papanugutin nito ang sistemang wasak at babaguhin ito upang para sa mundong—‘di lang ang mga ibon ang may kanin at tuka kundi ang mga uring dukha.

| Jersey Lois M. Dela Rosa

svsf-sslg-orawco-artikulo-logo

| ©2025 Daily Artikulo of the ORAWCO Club (SVSFHS). All rights reserved.