Cover Image
Cover Photo Cabinet     Home Categories News Sports Agham Historya About Us Feedback

High Quality Image

FEATURE

Bayan ng Macabebe, Nilamon ng Tubig: Pagtangis ng Lupa sa Gitna ng Delubyo

Sa bawat pagbuhos ng malakas na ulan ay may kaluskos ng pangamba, at sa bawat agos ng tubig ay sumasabay ang sigaw ng bayang unti-unting nilulunod ng kapalaran.

Ang Macabebe, Pampanga ay tahanan ng mga Kapampangang mayroong pusong bukal at paninindigan, ngayo’y nagdurusa sa yapak ng sunod-sunod na bagyo. Binura ng baha ang hangganan ng kalsada at sagradong alaala, habang ang mga ilog ay tila nilamon ng sarili nitong luha, umuungol sa sakit ng kalikasan.

Dahil sa sunod sunod na bagyong dumating sa bayan, ang kalsadang Kay sarap tambayan ngayon ay nag mistulang isang karagatang ka'y dumi na tila mga ugat ng kalikasang gumaganti sa malupit na pagtrato ng tao. Sa mga mata ng ina ay iyong masisislayan ang tila isang luhang namumuo na pilit ikinukubli sa kanyang mga anak na natututong mag balsa upang kumita imbes na nag lalaro ng lupa.Ang mga kabataang dati’y sabik sa pag pasok sa paaralan ngayon ay nasakanya kanyang tahanan nalamang.

Tila lumuluha ang mga dingding ng tahanang nilamon ng baha, habang ang mga alaala’y inaanod ng agos kasama ang mga pangarap na maaaring matabunan ng putik ng realidad. Ngunit sa likod ng unos, namumukadkad pa rin ang diwa ng bayanihan, kung saan ang bawat kamay ay nagiging tulay ng pag-ahon, at ang bawat tinig ay panalangin ng muling pagbangon.

Ang Macabebe ay hindi lamang isang bayang hinahagupit ng baha, kundi isang pusong tumitibok sa gitna ng unos,matatag, buo, at handang bumangon anumang oras. Sapagkat sa bawat agos ng tubig ay may agos din ng pag-asa, at sa bawat araw ay may binhing muling uusbong, hahabi ng bagong pag-asa.

Ang Macabebe, Pampanga ay simbolo ng bayan nating kayang tumindig sa gitna ng tubig, kayang ngumiti sa kabila ng pait, at higit sa lahat, kayang maghilom ng sugat gamit ang lakas ng pagkakaisang bawat mamayan.


svsf-sslg-orawco-artikulo-logo

| ©2025 Daily Artikulo of the ORAWCO Club (SVSFHS). All rights reserved.