Cover Image
Cover Photo Cabinet     Home Categories News Sports Agham Historya About Us Feedback

High Quality Image

FEATURE

Pindot Dito, Pindot Doon: Ang Ngiting Hinding-Hindi Titila

“Let the game begin! “

Kada pagsubok ng mga mag-aaral ng San Vicente - San Francisco High School—pighati at bigat ng damdamin ang pumipigil sa kanilang sarili upang makamit ang pagkapanalo sa kanilang sarili. Ang pakiramdam ng pagiging panalo ay isang bagay na gustong makamit ng lahat—nangangarap ngunit hindi tumatayo para sa kaniyang sarili.

Ang SVSF - Supreme Secondary Learners Government (SSLG) ay nagsimula ng isang palaro ukol sa larong Mobile Legends: Bang Bang para sa mga estudyante ng San Vicente - San Francisco High School upang maipakita nila ang kanilang talento, galing, at husay sa lipunan. Isang pangkat ang lumitaw mula sa liwanag upang kamitin ang tagumpay na nais nilang makamit—ipakita kung sino sila sa pamamagitan ng pagpindot sa kanilang mga selpon.

Nanginginig, puno ng dalamhati, at ipinagpaliban ang kanilang sarili—kawalan ng pag-asa, luha'y nais lumabas; ngunit tyaga at determinasyon ang tumigil sa kanilang kawalan ng pag-asa. Umaapak sa entamblado, umupo, at hinawakan ang kanilang selpon upang simulan ang laban—handang-handa para sa laban na ito; nagtiwala kami sa isa't isa—lahat ng aming plano, diskarte, at gabay ay sana matupad.

Libo-libong hagulgol ng mga manlalaro ng pangkat Grow A Garden—hiyaw ng mga mag-aaral, ngiti ng isang matagumpay na proseso, at sayang hinding-hindi malilimutan. Inilawan ang daanan patungo sa medalyang hinihiling ng lahat habang bitbit namin ang tanglaw na nagdala sa‘min sa tagumpay at pagkapanalo.

Mula sa mga manlalarong nawalan ng pag-asa bago sila sumubok sa digmaan—isang mensaheng ang kanilang iniwan na gigising sa atin bilang estudyante, parte ng lipunan ng San Vicente - San Francisco High School, at bilang miyembro ng bansang Pilipinas—mensahe ng mga manlalaro na sumira ng dalamhati, pagkaliban, at kawalan ng pag-asa sa kanilang sarili.

“Bilang pangkat, kami'y nagkaisa sa mga desisyon tulad ng pagpili, pag-ban at kung ano ba ang dapat gawin habang kami'y nasa clash at turtle fight. Nag-focus kami para ma-secure namin ang pagkapanalo namin at ine-enjoy lang namin yung paglalaro—nilalabas lang namin ‘yung tunay naming laro, ‘di namin prine-pressure ang isa't isa.”


svsf-sslg-orawco-artikulo-logo

| ©2025 Daily Artikulo of the ORAWCO Club (SVSFHS). All rights reserved.