Cover Image
Cover Photo Cabinet     Home Categories News Sports Agham Historya About Us Feedback

High Quality Image

FEATURE

Sa Likod ng Ngiti, Inggit sa Tagumpay ng Kapwa Mag-aaral

"The winner takes it all--the loser has to fall."

Sa loob ng silid-aralan, hindi lamang karunungan ang sinusubok kundi pati tibay ng damdamin. Ang inggit sa tagumpay ng kapwa ay tila tahimik na apoy na unti-unting sumusunog sa tiwala sa sarili.

Maraming estudyante ang nakakaramdam ng panghihina ng loob kapag nakikita ang tagumpay ng kanilang kaklase. Sa halip na maging inspirasyon--nagiging dahilan ito ng pagkukumpara at pagdududa sa sariling kakayahan.

Ang pagka-inggit sa kapwa ay maaring magkaroon ng malalim na epekto sa pag aaral ng Isang estudyante--pwede itong magdulot ng pagkawala ng gana sa pag-aaral, maka-abala ng pagkonsentrayon sa klase, at marami pang iba.

Ang kirot at selos pag nakakuha ng mas mataas na marka ang iyong kaklase, paano kung na kakuha sya ng mataas na grado mapipigilan mo ba ang kini-kimkim mong galit o pagka-inggit? Hindi talaga natin maiiwasan ang pagka-inggit sa lahat Ng oras kaya kailangan nating kontrolin ang ating emosyon bagama't alam natin ang tamang paraang ng pag-kontrol ng inggit.

May mga pag kakataon parin talaga na napakalalim ng ating nararamdaman kaya't mahirap itong labanan. Pero meron parin naman talagang paraan kung paano iwasan ang inggit, lumayo muna sa sitwasyon at mag bigay ng espasyo sa sarili, gawin ang bagay na nagpapasaya sa iyong sarili, 'wag mong i-pressure ang iyong sarili pag dating sa pag-aaral.


svsf-sslg-orawco-artikulo-logo

| ©2025 Daily Artikulo of the ORAWCO Club (SVSFHS). All rights reserved.