Cover Image
Cover Photo Cabinet     Home Categories News Sports Agham Historya About Us Feedback

High Quality Image

FEATURE

Suliranin ng Pilipinas, Hindi Pantay-pantay na Kita ng mga Magsasaka

Habang ating nilalasap ang bawat kutsara ng kanin na nakahain sa ating hapag, nananatiling butas ang bituka ng mga nagpunla at nagsaka. Sa ating bayan, nananatiling sugat ang hindi patas na kita—isang suliraning matagal nang binabalewala. Kailan ba talaga mabibigyang-hustisya ang kanilang pawis at pagod?

Ang mga magsasaka ay patuloy pa rin ang kanilang paghahanap ng hustisya sa kanilang pagod upang maka ahon sa buhay—kabilang na dito ang ang pagbibigay ng hustisya para sa makatarungang presyo ng kanilang ani. Noong ipinatupad ang Rice Tariffication Law bumaba ang kita ng mga magsasaka. Ayon sa Ibon Foundation bumagsak ng 40% ang kita ng magsasaka mula nung ipinatupad ang naturang batas na siya naman ang naging daan upang mas dumami pa ang imported na bigas.

Ayon sa Ibon Foundation, aabot na lamang ngayon sa 19,680 pesos ang kinikita ng bawat magsasaka mula sa 32,976 pesos—matindi umano ang naging epekto sa mga magsasaka ang pagbaba ng kita. Sinabayan pa ng tagok na dulot pa ng mataas na inflation kaya't humina rin ang kanilang tinatawag na reducing power—kasabay neto sinabi rin ng Ibon Foundation nangangamba sila sa kawalan ng malinaw na programa para sa industriya ng bigas.

Ang pagbaba ng kita sa mga magsasaka ay isang kahirapan na sakanila dahil ito na lamang ang kanilang hanap buhay sa araw araw—eto rin ang kanilang pinagkukunan ng pang gastos o pagiipon ng salapi kaya dapat itong bigyan ng pansin sa gobyerno. Bigyan ng sapat na kita ang mga magsasaka at pantay na kabayaran sa kanilang pagod.

Ito ang mga senaryong pa ulit-ulit nalang na nangyayari sa mga magsasaka dahil sa mga batas na ipinapatupad sa pagbababa ng presyo sa bigas. Maraming mga magsasaka na nanawagan ng hustisya dahil maraming mga magsasaka ang nangangailangan ng sapat na kita at pantay na pagbabayad ng buwis sakanila.

Sapat na buwis at kita na lamang ang kanilang hinihingi sa gobyerno—dahil sa bawag pag aani ng mga butil ng bigay pagod at sakripisyo ang kanilang ibinibigay. Pagbibigay ng kita sa magsasaka ay isang kalungkutan at pagkabigo sakanila dahil sa kabila ng kanilang pagod—ang ibibigay na kabayaran ay kulang pa sa kanilang kabuhayan.

Pagbibigay ng pansin sa magsasakang mababa ang kita dahil sa ipinatupad na batas ay makaangat sakanilang pamumuhay dahil sa pantay na pagbibigay ng kabayaran sa kanila. Pag angat ng mga magsasaka ay magbibigay sa kanila ng kaligayahan at pagpatuloy na pag-aani ng bigas.


svsf-sslg-orawco-artikulo-logo

| ©2025 Daily Artikulo of the ORAWCO Club (SVSFHS). All rights reserved.