Cover Image
Cover Photo Cabinet     Home Categories News Sports Agham Historya About Us Feedback

High Quality Image

FEATURE

YTR: Gabay at Tulong sa Kabataan, Pag-asa sa Bawat Mag-aaral

“Kada mata ng bawat bata, puno ng pighati ang kanilang pangarap.”

Maraming mga kabataan ang pino-problema ang salapi dahil sa kahirapan ng kanilang buhay. Nagiging sanhi ito ng pagtigil at kawalan ng pag-asa sa pag-abot ng kanilang pangarap—kaya kailangan talaga nila ng isang tulong na kahit papano ay makatutulong sa kanilang problema

Ang ganitong paulit-ulit na problema ng kabataan ay nangailangan na talaga ng tulong galing sa mga taong bukal ang puso at walang hinihinging kapalit sa kanilang pagtulong. Tulong na makakapag bigay pag asa sa kabataang nawawalan ng pag-asa dahil sa kanyang problemang kinakaharap.

Ang Youth on the Rock (YTR) ay isang organisasyon na makakatulong sa mga kabataang nangangailangan ng baon, kagamitan sa paaralan, pagkain, at perang makatutulong upang magamit sa mga proyekto. Hindi lamang pagbibigay ng boluntaryong pangangailangan ang kanilang naitutulong—nariyan din sila upang maging sandalan sa mga problemang hindi na madala at nariyan din silang upang tulungan ang mga kabataang non reading o mga kabataang nahihirapan sa kanilang asignatura.

Kahit bata pa tayo, matuto tayong tumulong sa mga kalahi natin, tumulong parin tayo kahit hindi natin kalahi. Respetuhin natin ang mga kabataang katulad natin. Ipakita natin ang ating pagmamalasakit sa ating kapwa.

Kung tayo ay magtutulungan—lahat ng ating problema ay mabibigyan ng tanging sagot. Ugaliing tumulong, magbigay pag–asa, at higit sa lahat—rumespeto sa mga estudyanteng katulad natin.


svsf-sslg-orawco-artikulo-logo

| ©2025 Daily Artikulo of the ORAWCO Club (SVSFHS). All rights reserved.