Cover Image
Cover Photo Cabinet     Home Categories News Sports Agham Historya About Us Feedback

High Quality Image

#JUANMAZING!

Gregorio del Pilar: Mala-Napoleon ng Pinas

Kilala naman natin si Gregorio del Pilar o kilala bilang “Goyo”, s'ya lang naman ang isa sa pinakabatang heneral dito sa Pilipinas—s'ya rin ay kilala sa kanyang katapatan kay Aguinaldo, paglingkod sa bayan, at kaakit-akit sa mga kababaihan.

Si Goyo ay ipinanganak noong ika-14 na araw ng Nobyembre, taong 1875, sa probinsya ng Bulakan—kung ang ibang bata noon ay nakakapag-aral ng maayos, s'ya ay kailangan muna dumaan sa mahirap na proseso para sa kanilang pamumuhay; nagbenta ng kakanin sa palengke para makatulong sa kanyang mga magulang. Matapos ang kanyang mga taon sa elementarya, at sekondarya—siya'y nag-aral sa Ateneo Municipal de Manila (Ateneo de Manila) na may Bachelor of Arts degree.

Ang buhay ni Del Pilar ay nagbago simula nung sumiklab ang kauna-unahang rebolusyon ng Pilipinas laban sa kolonyal na pamumuno ng mga Kastila dito sa Pilipinas. S'ya ay sumali sa Katipunan, isang lipunan na nabuo ng mga rebolusyonaryo, at kaagad na tumaas ang kanyang ranggo dahil sa kanyang katapangan, at kasanayan sa pamumuno. Si Goyo ay naging katiwa-tiwala ni Emilio Aguinaldo, ang unang pangulo ng republika ng Pilipinas dahil sa kanyang katapangan at katapatan sa bayan.

Noong ika-2 araw ng Disyembre, taong 1899, sa Tirad Pass, Tirad Mountain, Ilocos Sur, habang s'ya ay nakasakay sa kanyang kabayo, kasama ang kanyang mga kapwa sundalo—sila'y nabaril ng mga Amerikano. Ang bala ay tumama sa likod ng ulo ni del Pilar—kritikal ang pagkabaril kay Gregorio del Pilar kaya kahit na s'ya ay puno ng katapangan at katapanan; s'ya ay namatay para sa kalayaan natin bilang Pilipino laban sa mga mananakop.

Mahirap ka man o hindi, ang tao ay hindi mawawalan ng determinasyon upang maglingkod at umangat mula sa kahirapan. Namatay para sa bayan—isang halimbawa na ang kabataan ay ang pag-asa ng bayan, ito man ay galing sa ating bibig, pisikal, o aksyon—hindi tayo mauubusan ng paraan upang maipaglaban natin ang ating bansang Pilipinas.


svsf-sslg-orawco-artikulo-logo

| ©2025 Daily Artikulo of the ORAWCO Club (SVSFHS). All rights reserved.