Cover Image
Cover Photo Cabinet     Home Categories News Sports Agham Historya About Us Feedback

balita

NEWS

PNP, nasamsam ang ₱4M ‘shabu’ sa CamSur

Nasamsam ng Philippine National Police (PNP) ang ₱4 milyon na shabu sa isang hinihinalang drug pusher sa Caramines Sur noong Agosto 2, 2025.

Nakuha sa kanya ang tinatayang ₱4.08 milyon halaga ng hinihinalang shabu, ayon sa ulat ng pulisya nitong sabado.

Ayon kay Police Lt. Col. Maria Luisa Calubaquib, tagapagsalita ng Bicol Police, nakilala ang suspek sa alyas na “Muni,” 30 taong gulang at tubong Tondo, Maynila.

Nakumpiska mula sa kanya ang 12 sachet ng hinihinalang shabu na may bigat na humigit-kumulang 600 gramo at halagang ₱4.08 milyon.

Inihahanda na ang mga kaso laban sa suspek sa ilalim ng Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Pinuri naman ni Police Brig. Gen. Nestor C. Babagay Jr., ang matagumpay na operasyon ng pinagsanib na puwersa ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).


svsf-sslg-orawco-artikulo-logo

| ©2025 Daily Artikulo of the ORAWCO Club (SVSFHS). All rights reserved.